FANDOM


Bonedeth
[[1]]

Hugis

Hugis-bungo

Kulay

Itim at Berde

Pinuno

Mga Dark Heroes

Mga Kaugnay

Yarideth
Yumideth
Tatedeth
Kibadeth
Megadeth
Boomdeth
Dr. Deth

Unang Nagpakita

Patapon 3

Mga Kalaban

Patapon
Zigoton

PaglalarawanEdit

Ang Tribo ng Bonedeth ay isa sa mga pangunahing kalaban sa Patapon 3. Katulad ng Tribo ng Karmen, nagsusuot din sila ng mga maskara, ngunit ang kanilang mga maskara ay hugis-bungo. Minsan, may mga halimaw silang kasama sa paglaban sa mga Patapon. Mayroon din silang mga tore at tents na mas malakas kaysa doon sa mga Karmen at Zigoton. Sila ang mga patay na sundalo ng sibilisasyong Ah-ooh na lumalaban sa ngalan ni Haring Ighl (Covet-hiss) at Prinsipe Sonarch (Sonarchy)

Mga HukboEdit

Ang bawat tauhan ng Bonedeth ay may hulaping -deth sa kanilang mga pangalan, katulad lamang ng ibang tribo. Ang mga madalas na tauhan ay may pangalang:

  • Yarideth

Sandata: Sibat at Halberd

  • Tatedeth

Sandata: Espada, Blade at Kalasag

  • Yumideth

Sandata: Pana (lahat ng uri)

  • Kibadeth

Sandata: Sibat, Halberd, Kabayo at Kabayong-pandigma

  • Megadeth

Sandata: Tuba at Kapa

KasaysayanEdit

Ang Tribo ng Bonedeth ay minsang naging mga tao ng isang ninunong tribo na tinatawag na Ah-ooh. Sa kasamaang palad, nakalaban nila ang mga Patapon at namatay ang mga tao ng sibilasyong ito maliban sa apat. Ang mga nakaligtas ay si Haring Ighl (Miss Covet-hiss), Prinsipe Sonarch (Standoffish Sonarchy), at ang dalawang pinakamataas nilang heneral na sina Gluttonous Buzzcrave at Slow-moving Slogturtle. Nakipaglaban sila sa mga Patapon ng maraming siglo, hanggang sa tinawag ng hari at prinsipe ang isang vessel na nilalaman ang Seven Archfiends, na pinaniniwalaan nilang makakakitil sa mga Patapon.

Gamit ang kapangyarihan na nakuha nila sa mga demonyong ito, binuhay nilang muli ang kanilang mga tauhan, at dito nagmula ang tribo ng Bonedeth. Ang Bonedeth ay muntikan nang magtagumpay sa kanilang paghihiganti matapos na matalo ng mga Archfiend ang mga Patapon; wala sa mga Patapon (kahit na si Hero) maliban kay Hatapon (na ang watawat ay kayang pumigil ng kahit anong status effect) ay walang laban sa sumpang ibinigay ng mga Archfiend. Nang sa tingin nila ay wala ng pag-asang natitira, ang matalino at makapangyarihang si Silver Hoshipon ay lumabas mula sa kailaliman ng vessel at pinagsama ang kaluluwa ni Hero at ng Mighty Patapon, na naging daan na magkaroon ng pagbabagong-anyo si Hero na maging si Uberhero, ang mas malakas na anyo ng dalawa. Binuhay din ni Silver Hoshipon ang bagong Trifecta na sina Ton, Chin, at Kan.

Bago ito mangyari, tingin ng mga Bonedeth ay tiyak na ang kanilang pagkapanalo laban sa mga Patapon, ngunit mali sila sa kanilang akala. Napuksa ng mga Patapon ang mga Bonedeth at Dark Hero sa Arena of Tolerance. Ang mga natirang Bonedeth ay natalo sa Tomb of Tolerance

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki